Sunday, January 13, 2013

Mga Pilipino...

Mga taong mapagmahal sa kapwa,
Mga taong mapag-alaga,
Mga taong marunong magpahalaga,
Sa Pilipinas lang makikita.

Mapagbigay na Pasko,
Bagong taong maginoo,
Malambing na Araw ng mga Puso,
Yan ay mga Pilipino.

Walang may sabing sila ay perpekto,
Ang alam lang sila ay totoo,
At tahimik sila na para bang paraiso,
Sila lang at wala ng iba , mga PILIPINO.

Ingles O Filipino?

          Ano ba ang mas mahalaga , Wikang Ingles o Wikang Filipino ? Ano nga ba ang mas naisasa-puso ng mga tao , Wikang Ingles o Wikang Filipino ? Ano nga ba ? Aling Wika ba ? 
           Wikang Ingles o pangkalahatang tawag na "Universal Language", alam nating lahat na napaka-importanteng matutunan ang wikang ito dahil ito lang ang wika na makakapag-ugnay sayo sa iba't-ibang panig ng mundo.Marami sa atin , marami sa mga Pilipino mas pinahahalagahan ang Wikang Ingles tulad ng mga negosyante , o mga mayayaman ngunit sa tingin mo ba ay tama ang gawing ito ?
                 Wikang Filipino o ang wikang sariling atin, alam ko at alam mo na ang Wikang Filipino ang araw-araw nating ginagamit, na ito ang wikang ating kinalakihan, at ito ang wika na ating nararapat na pahalagahan. Ang mga ibang Pilipino , mahal na mahal ang ating wika , ang iba sa atin kailanman ay di gumagamit ng Wikang Ingles , tulad nalang ng mga Pilipinong hindi nasasakupan ng teknolohiya kung kaya't nakakatuwang isipin may natitira pa sa atin na ganoon.
                   Gumugulo sa mga isipan, anu nga ba talaga ang mas mahalaga , ang wikang Ingles o ang wikang Filipino ... Iisa lang ang sagot , Pantay-pantay lang . Maari mong gamitin ang wikang Ingles basta ay huwag kang lulubos , maari kang gumamit ng wikang Ingles , ngunit huwag kakalimutan ang sariling wika .


Wika Natin , Ating Mahalin...

Araw-araw nating kailangan,

Ganti man lang ay Pag-alaga,
At ating pahalagahan,
Ang ating wika ..

Lahat tayo ay may karapatan,
Humiram ng mga salitang dayuhan,
Ngunit wag sa paraang lubusan,
Dahil baka sariling wika'y makalimutan..

Mahalin , Pahalagahan,
Hiling sa buong bayan,
Ating bigyang pansin,
Wikang sariling atin.

 Ating isipin ,
Paano anting wika’y paularin,
Kung di mo manlang gawang mahalin,
Ang sariling wikang atin.

Ipakita Mo , Pilipino Tayo!!!

Ako , Ikaw , Lahat tayo,
May iisang wika,
Iyon ay Wikang Filipino,
Ang Wikang pinakamahalaga.

Taas noong iwagayway,
Mahalin at alagaan,
Isa-isip at isa-buhay,
Ang Wikang kinalakihan.

Walang may nagsabi,
Wikang banyaga'y di gamitin,
Ang amin lang ay huwag lubusin,
Dahil 'di iyon makakatulong satin.

Isa-buhay, isa-puso,
Araw-araw itatak sa isip,
Pilipino ako, Pilipino siya, Pilipino tayo,
Lahat tayo ay magkakapatid.

Ipakita natin,
Tayo ay Malikhain,
Lahat ay gagawin,
Para wika ay paunlarin.

Ipakita mo,
Tayo'y nagkakasundo,
Ipakita mo,
Pilipino tayo !



Saturday, January 12, 2013

Paano mo ba maipapakita na ikaw ay isang mamamayang nagmamahal sa sariling wika?


                   Kaya ko at alam kong di lang ako .. Kaya natin ipakita na tayo ay mga mamamayang nagmamahal sa sariling wika sa pamamaraang pagmamahal , pag-aalaga at pagbibigay halaga .
                   Wika , wikang Filipino , hindi ba’t iyan ang araw-araw nating ginagamit ? Hindi ba’t iyan ang wika na ating kailangan upang magkaintindihan ? Oo , WIKANG FILIPINO ang dahilan kung bakit mo nababasa ito , ang dahilan kung bakit nagkakaintindihan ang bawat isa .Alam ko kung ano ang nasa isip mo : Paano ang Wikang Ingles ? Alam ko yun , ngunit hindi naman sa lahat ng oras ay umaasa tayo sa mga Salitang Banyaga . Isipin mo , kung sa araw-araw tayong gumagamit ng wikang Ingles , masasabi mo pa ba na tayo ay Pilipino ? Kung ako , hindi na , dahil kung dito ka nga sa Pilipinas Lumaki kung ibang wika ang iyong ginagamit at minamahal wala ring kwenta ang paglaki mo rito .
                     Mahalin , alagaan , pahalagahan natin ang ating Wika , upang maipakita sa kanila , na tayo ay mamamayang nagmamahal ng sobra sobra , sa kinalakihang wika .
 Hindi masamang gumamit ng wikang banyaga ,
Basta ay huwag kang sosobra ,
At patuloy tuloy lang na alagaan,
Ang sariling wikang kinalakihan.